CORRECT LYRICS

Lyrics : Wag Kang Mag-alala

Kung sila'y biglang kumanan at daan mo'y kaliwa
Wag, wag kang mag-alala
Kung gabi mo ay umaga't baligtad ang kanila
Wag, wag kang mag-alala

Kanya kanyang trip at panaginip
Kanya kanyang mga daang nais sundan

Kailangang manalig sa bawat
Sigaw at bulong ng iyong puso
Sumayaw sa sarili mong awit
Umindak at wag pasindak
Kung 'di ka katulad ng iba
Wag kang mag-alala

Kung kumakatok ang duda't
Tumatawag ang kaba
Wag, wag kang mag-alala
Wag masyadong magpadala
Sa sinasabi ng iba
Wag, wag kang mag-alala

Kanya kanyang trip at panaginip
Kanya kanyang mga daang nais sundan

Kailangang manalig sa bawat
Sigaw at bulong ng iyong puso
Sumayaw sa sarili mong awit
Umindak at wag pasindak
Kung 'di ka katulad ng iba
Wag kang mag-alala