CORRECT LYRICS

Lyrics : Hanggang Kailan Kita Mahihintay

Pansamantalang titigil
Ang aking mundo para sa 'yo
Handang iwanan
Ang buhay na'king nakasanayan para sa 'yo

Dahil kailangan
Kailangan kita

Hanggang dilim ay lumiwanag
Sa 'yong bawat galaw ako'y sumasabay
Ngunit hanggang kailan kita
Maghihintay

Pansamantalang titigil
Ang aking mundo para sa 'yo
Isusugal ang puso kong
Lumalangoy sa lungkot para sa 'yo
Susundan kita sa mundo ng duda

Dahil kailangan
Kailangan kita

Hanggang dilim ay lumiwanag
Sa 'yong bawat galaw ako'y sumasabay
Ngunit hanggang kailan kita maghihintay

Hanggang kailan
Hanggang kailan

Hanggang dilim ay lumiwanag
Sa 'yong bawat galaw ako'y sumasabay
Ngunit hanggang kailan kita maghihintay

Pansamantalang titigil
Ang aking mundo para sa 'yo