CORRECT LYRICS

Lyrics : Titulo

Araw-araw, magkasama
Kay saya at tila atin ang mundo
Oras-oras, magkausap
Sa lahat naman tayo'y magkasundo

Bakit parang kulang pa?
Pero 'di ko makita
'Di malaman kung saan ba ito papunta
Ano na nga ba tayong dalawa?
Naiisip mo ba, kung tayo ba o 'di tayo?
Damdamin ay nalilito
Kung pwede lang malaman ko
Ano nga ba tayo?

Minu-minuto, 'pag wala ka hinahanap at 'di maintindihan
Segu-segundo ay nasa isip
Tanong palagi: ano ang dahilan?

Bakit parang kulang pa?
Pero 'di ko makita
'Di malaman kung saan ba ito papunta

Ano na nga ba tayong dalawa?
Naiisip mo ba
Kung tayo ba o 'di tayo?
Damdamin ay nalilito
Kung pwede lang malaman ko
Ano nga ba tayo?

Kung paano ang sagot sa katanungan ay 'di ko alam
'Di masukat ang laman ng nasa puso ang nararamdaman
Oohh... Oh woah...

Kung tayo ba o 'di tayo?
Damdamin ay nalilito
Kung pwede lang malaman ko
Ano nga ba tayo?
(Ano na nga ba tayong dalawa?)
(Naiisip mo ba?)
Kung tayo ba o 'di tayo?
Damdamin ay nalilito
Kung pwede lang malaman ko
Ano nga ba tayo?