CORRECT LYRICS

Lyrics : KG

Kay gandang pagmasdan
Ng mukha mo sa araw-araw
Hmm, nakakauhaw

Kay tagal kong hinanap kung saan
Kailan ko ba matatagpuan?
Salamat at nand'yan ka na
Pag-ibig ko sa'yo ilalaan
Sana 'di mo makaligtaan
Mahal na mahal kita

Kay ganda
Oh, kay ganda
Kay ganda
Oh, kay ganda

At kung tayong dalawa ay tumanda
'Yung tipong tayo'y sobrang bagal na
Aalalayan kita
'Di ka hahayaang madapa
At sa gabing nilalamig ka na
Yayakapin kita

Pagmamahal ko sa'yo'y buong buo
Pagmamahal ko sa'yo ay totoo ka, ahh
Kahit tayo'y magpahinga na

Kay ganda
Oh, kay ganda (Ah-ahh)
Kay ganda
Oh, kay ganda (Ah-ahh)

[Bridge - Spoken]
Aking sinta, ikaw at ikaw lamang ang aking ipipinta
Sa iyong mukha ay hinding-hindi ako magsasawa
Dahil ikaw lang ang nag-iisa
At wala na ngang iba
Kaya sana sabayan mo 'kong tumanda
Dahil ikaw ang gustong makasama

Kay ganda
Oh, kay ganda (Ah-ahh)
Kay ganda
Oh, kay ganda (Ah-ahh)