CORRECT LYRICS

Lyrics : Palusot Ko’y Maybe

Binibilisan ko na (Binibilisan ko na)
Ang pagbibisikleta (Ang pagbibisikleta)
Pinapawisan na, pagod ay wala
Basta ikaw ay nakita

Dahil noong bakasyon (Dahil noong bakasyon)
Ay hindi ka nakita (Ay hindi ka nakita)
Hindi ko maintindihan
Bakit miss kita

Kaibigan akala ko
Hanggang doon na lang tayo
Pero bakit nga ba
Ikaw ay- ikaw nga ay namimiss na

Maybe
Maybe
Siguro ay gusto na kita
Walang kaulap-ulap
Sa bughaw na langit

Maybe
Maybe
Siguro ay gusto na kita
Kahit na sa sarili ko
Di maamin ang totoo