CORRIGER LES PAROLES

Paroles : Sa Langit

Paano kaya mapapansin, pag-ibig kong itong laging bitin
Panay sulyap, puro tingin, hindi na talaga lilingunin
Lagi na lang nasasaktan, puso kong itong nagdurusa
Laging pinipilit, pag-ibig ko sa'yo ay dinggin

Hihintayin na lang kita sa langit
Hihintayin na lang kita sa langit
Marahil doon puro pag-ibig
Siguro naman ako ay pansin
Pagbibigyan sa aking mga hiling

Paano kaya mararamdaman
Pag-ibig mong aking dasal
Marahil nga doon na lang sa langit

Hihintayin na lang kita sa langit
Hihintayin na lang kita sa langit

Lagi na lang kitang nakikita
Tila ba isang madilim na ulap
Walang kasinag-sinag para sa aking pag-asa

Hihintayin na lang kita sa langit
Hihintayin na lang kita sa langit
Ako ay may kaba, ako ay nag-aalala
Kung tayo ba ay magkikita sa langit
Doon sa langit
Sana sa langit, sana sa langit
Ang tanging pag-asa ko na lang ay langit