CORRECTAR LA LETRA

Letra : Paskong Kasama Ka

Wala nang iba pang mahihiling
Kung 'di ang manatili sa 'yong mga bisig
Mahimlay ako sa iyong dibdib
At masulyapan ka sa malapitan

Napakalamig ng simoy ng hangin
Mga ilaw ng kalsada'y sumisindi
'Di nais na umalis, dito sa iyong tabi
Bawat oras parang walang katapusan

Salamat sa Paskong kasama ka
Salamat sa walang humpay na ligaya
Alaala nating ipakatatago
Masayang Pasko mahal ko

Wala man tayong sasambitin
Magandang paligid ay dama ang pag-ibig
Sa gabing pinakamahalaga
Tayo'y narito at magkapiling

Pinatutuloy panahon na malamig
Na bumabalot sa ating dalawa
Anong kaba 'pag nagmamahal
Pagsasaluhan ang gabi
Mahalaga'y mga pag-ibig natin