ENVIAR LETRAS
Top 100
Lanzamientos de álbumes
Artistas
Comunidade
Francés
Portuguese
Inglés
Corrección Letra
Ibong Adarna
par
Flow-G
Regreso
Letra
'Yung dating tayo ay wala na, pa'no ba 'to Bakit biglang gumulo, 'yung dati natin binuo Wala na gumuho na Mahal, kamusta? Masarap ba gising mo, buti nakatulog ka Ako 'eto simula nung nangyari, lahat 'to ay binabangungot na Ligaw na ligaw 'di alam kung sa'n pupunta Halos malunod na, dahil sa pagkalugmok Na may halong lungkot, kaya laging nagluluksa Nabugbog pa kahit na utak ko lang ang kalaban Ako ay nadurog, kahit na sa tinik ako'y natusok Ay naging tahimik hindi na rin para humugot May luhang tutulo tuwing nakamukmok Ako sa ilalim ng kumot, ako ay nahulog Biktima sa sitwasyon na may aral pa ring mapupulot Pero 'wag mag-aalala, kahit papa'no nakakahinga Hindi nakatulong 'yung kasabihan 'Pag napagod kailangan lang magpahinga Ilang gabi na nakadilat pa rin ako kahit gabing-gabi na Pero hindi pa rin nagmakaawa, kahit na kawawa't aping-api na Ikaw kamusta ka d'yan, sana hindi mo 'to mapakinggan Kasi ayaw ko sabihin mo sa sinabi ko ikaw ang pinaparinggan Sumakay ako sa alon mo kasi akala ko pareho Tayo na gusto na magkapitan Eh 'di sana 'di na nagkainteres Sa interes ko, ito ang bunga ng kapital 'Di ko alam pa'no nangyari 'to lahat 'Yung pinaghirapan nating dalawa ay wasak Ang bilis ng pangyayari't naganap Kaya maging ako'y gulat na gulat Mga alaala na nakakatakot maalala Naranasan nating dalawa ng magkasama, wala na Napalitan na ng lungkot ang ligaya 'Yun ang 'di ko kaya Buti ka pa parang hindi mo iniinda Habang ako ay hirap na matulog At sana'y 'di na gumising pa, gusto ko ng medisina Para hindi na makadama ng sakit sa tuwina pampamanhid Bibilin ko agad kung meron man nagt**inda 'Di ko na pinilit alamin ang totoo Kasi iniisip ko baka mas lalong gumulo 'Yung sabay natin na binuo Nawala rin kaagad kasi puno ng alaala madugo Pagkamag-isa nakaupo, madalas nakayuko Kasabay ng luha ayaw matuyo, 'pag may kaharap na ibang tao Nako po magpapangggap na buo Kailangan masaya ako palagi kahit na hindi na katulad ng dati Para 'di nila isipin na nahihirapan, ako sa lahat na nangyayari Sinasarili ang bawat kirot na pinapasan sa likod Dapat nagtataka lagi kung bakit bulok ang binunga Imbis na hinog, mahirap magpanggap na ayos lang Kaso kailangan sa ganitong kaganapan Ay dapat agapan makita ang iyong kahinaan Para hindi kaawaan o pagtawanan Mahirap pa lang maranasang masaktan Sa kamay ng napiling pakisamahan 'Di ko alam pa'no nangyari 'to lahat 'Yung pinaghirapan nating dalawa ay wasak Ang bilis ng pangyayari't naganap Kaya maging ako'y gulat na gulat Mga alaala na nakakatakot maalala Naranasan nating dalawa ng magkasama, wala na Napalitan na ng lungkot ang ligaya 'Yun ang 'di ko kaya Sana ako'y tulad ng iba Kaya kang iwanan d'yan ng mag-isa Luha mo ay hindi pupunasan Tatawanan pagkatapos sugatan, hindi gano'n Tinulungan kang makalipad Para sa'yo ay nakahanda akong gawin ang lahat Wala na sa'kin natira, baliwala pa Pakinggan niyo ang makabagong istorya ng Ibong Ad***a Bakit gano'n ang panahon, ako ay napakaraming tanong Akala ko ay dinala kita sa palasyo, pero sabi mo ay kinahon Ang dating tayo na palaging masaya At nagsasama ng matiwasay, init ng apoy na namamatay Panggatong ako na lamang ang naglalagay Ano ba sa iyong palagay, inakay na kita Makadaan sa landas na madilim 'Di naman ako 'yung tipong na lalaki Iiwanan ka na lamang kasi natapos na kitang pitasin Napakahirap abutin, 'di mo ba napansin Dinidiligan ko ang 'yong hardin, inaabangan na dumating Bakit madalas ka na yatang inaabutan ng dilim? Oh, bakit parang lumalalim ang sugat Ayaw kong tingnan kahit laging nakamulat Alam ko na siyang nilalaman ng sulat Mabigat pero 'di na magugulat Hinihintay kita makauwi, lumuluha kahit nakangiti Lungkot na palagi kong buhat Hindi ko masukat, pilitin ko mang ikubli Balita ko may sinasabi ang mga chismosa na ale 'Di ko inakala 'to, grabe, sa ulo ko ay may tae 'Di ko alam pa'no nangyari 'to lahat ('Di ko alam pa'no nangyari 'to lahat) 'Yung pinaghirapan nating dalawa ay wasak (Ohh-oh) Ang bilis ng pangyayari't naganap Kaya maging ako'y gulat na gulat (Kaya maging ako'y gulat na gulat) Mga alaala na nakakatakot maalala Naranasan nating dalawa ng magkasama, wala na (Ohh-oh) Napalitan na ng lungkot ang ligaya (Napalitan na ng lungkot ang ligaya) 'Yun ang 'di ko kaya 'Di ko alam pa'no nangyari 'to lahat (Ohh-oh) 'Yung pinaghirapan nating dalawa ay wasak Ang bilis ng pangyayari't naganap (Ang bilis ng pangyayari't naganap) Kaya maging ako'y gulat na gulat Mga alaala na nakakatakot maalala (Ohh-oh) Naranasan nating dalawa ng magkasama, wala na Napalitan na ng lungkot ang ligaya (Napalitan na ng lungkot ang ligaya) 'Yun ang 'di ko kaya ('Yun ang 'di ko kaya)
videoclip
Tu nombre será publicado. Deje los campos en blanco para permanecer en el anonimato.
Enviar
Modal title
×
Insertar medios
Video URL?
(YouTube, Vimeo, Instagram, DailyMotion, Soundcloud)
×
Recuérdame
Contraseña perdida
Conectarte
Registrarse