SUBMIT LYRICS
Top 100
Album releases
artists
Community
French
Spanish
Portuguese
Correction Lyrics
Kamusta
by
Shanti Dope
Back
Lyrics
Y-y-young God Kamusta ka sana ayos lang, lagi lang akong nand'yan Kaso lang ang damot ng bibig Para sa'n pa kung handa 'kong makinig 'Pag gipit kung sa sarili mo masyado kang bilib Mahihirapan ka lang nang mahihirapan Kung ipipilit mong wala kang kahinaan Kadalasan alak pa ang mas pinipili mong sandalan 'Di ka masaya nanghihiram ka lang ng tapang Dama ko na may kinikimkim na hirap ka na rin tiisin Kaso nasanay kang pinapakita na lahat ay kaya mo rin panisin Hindi ka takot matulungan kung tutuusin, takot ka lang na tuksuhin Kaya 'di masagot kada tatanungin kung meron bang nakakubli? Meron bang nakakubli sa likod ng 'yong ngiti At kut**ap ng iyong mga mata? Mabigat ba sa dibdib 'pag laging pinipigilang Sabihin ang iyong nadarama? 'Di mo gustong malaman ng mundo ang kahinaan mo Kung wala kang malapitan Pupwede mo akong sabihan Pero para makuha 'yung sa'kin mabuhay Ang dami ng kasalanang nagawa Hindi ko na nga mapagkatiwalaan sarili, pa'nong ikaw pa kaya? Hindi madama 'yung lungkot o saya Nagtataka lang bakit may hininga pa 'ko Baka gumaan pabigat ng dala 'pag wala Tulad ng kung anong bago Habang 'yung katinuan nakakadena sa alak, usok, at tableta Sa napalang mapait tatakasan saglit Pagbalik gano'n pa din eksena (Huh) Kulong sa sistema, parang malaya sa laki ng selda Kulang na nga lang ipako sa krus Ang dami nanghudas para sa pera Katulad nilang gusto pa 'ko masira, kahinaan 'di ko maipakita Layo ng gusto ko pa marating na naliligaw din 'pag walang gasolina Kanina ay nasa dulo ng bangin, lason sa hangin sarap damahin May lubid sa puno sinabit daliri ko sa'king baril bago kalabitin Meron bang nakakubli sa likod ng 'yong ngiti At kut**ap ng iyong mga mata? Mabigat ba sa dibdib 'pag laging pinipigilang Sabihin ang iyong nadarama? 'Di mo gustong malaman ng mundo ang kahinaan mo Kung wala kang malapitan Pupwede mo akong sabihan Buhay niya na hiniram ay kinuha pa niya nang hindi nagpaalam Sa mga kaibigang nakatawanan, sa dami ng 'di niya gustong naranasan Sa mga huling hininga nya na lang inasahan mahanap ang kapayapaan Hirap ma***o 'pag nasa loob ng isipan ang pinaka naging kalaban (Ugh) Meron bang dapat sisihin, paligid, sarili, mundong magulo Hindi ko alam kung kanino ba dapat ituro yung dulo ng hintuturo Alam mong hindi ka makakalimutan, hinaharap nagawang talikuran Kinakausap ka habang nasa likod ng salaming may saradong pintuan Malapit ka nang bumigay dama ko, 'wag ka magmadaling maabo Magkakaasawa ka pa at magkakaanak ka pa hanggang sa magkaapo Kapag ganitong-ganito 'yung wala kaabot, naabot ko kung ba't ka lito Tadhana ang palabiro, pagsubok ang pampatino Buhay parang byahe maraming hadlang Ikaw na bahala kung pa'no mo sasakyan Natural lamang na mabigatan, kaya hanapin ang pampagaan 'Yan ang paraan, kasama yan, 'wag mag-alala kung meron bang nakakubli Meron bang nakakubli sa likod ng 'yong ngiti At kut**ap ng iyong mga mata? Mabigat ba sa dibdib 'pag laging pinipigilang Sabihin ang iyong nadarama? 'Di mo gustong malaman ng mundo ang kahinaan mo Kung wala kang malapitan Pupwede mo akong sabihan Meron bang nakakubli sa likod ng 'yong ngiti At kut**ap ng iyong mga mata? Mabigat ba sa dibdib 'pag laging pinipigilang Sabihin ang iyong nadarama? 'Di mo gustong malaman ng mundo ang kahinaan mo Kung wala kang malapitan Pupwede mo akong sabihan
music video
Your name will be published. Leave fields blanks to remain anonymous.
Submit
Modal title
×
Insert media
Video URL?
(YouTube, Vimeo, Instagram, DailyMotion, Soundcloud)
×
Remember me
Lost password
Sign in
Register