SUBMIT LYRICS
Top 100
Album releases
artists
Community
French
Spanish
Portuguese
Correction Lyrics
Sama-Sama
by
Ex Battalion
Back
Lyrics
Flip-D on the beat Sama-sama tayo at walang mag-iiwanan Kung may problema tayo-tayo lang Din naman ang magtutulungan 'Di pwedeng may maiiwan Lahat kasama, 'pag may kasiyahan Kaya't sama-sama tayo na parang Parang magkabarkada lang Simula pa nung una, 'pag ako may problema Alam kong may matatakbuhan, sasandalan, walang iwanan Kahit anong sabihin niyo, mga kapatid ko 'to Kasama ko 'to sa hirap o ginhawa, magunaw man ang mundo Tsaka iba talaga saya na 'yong dala, 'pag tayo ay sama-sama na 'Yung tipo nakakalimutan mo ang lahat ng Problema mong dala, basta gano'n na nga 'Pag tayo'y kumpleto na mas masaya, 'di ba? Yeah Gusto ko kasama kayo sa kulitan, sarap, walang iwanan At kahit na minsan nagkakaro'n man tayo Ng hindi pagkakaunawaan, tampuhan at galit, awayan Pag-usapan na lang sa tagayan, 'di makatiis 'Pag nakitang nakangiti, apiran, wala na 'yan Sabay halakhakan at palakpakan kahit na walang nakakatawa Ganyan kabaliw, 'pag magkakasama Mapatingin lamang sa bawat isa At bukod pa sa samahan natin na sa Kabila ng mga pagsubok kasama kita Nararanasan mas masaya lagi basta, tara na Sama-sama tayo at walang mag-iiwanan Kung may problema tayo-tayo lang Din naman ang magtutulungan 'Di pwedeng may maiiwan Lahat kasama, 'pag may kasiyahan Kaya't sama-sama tayo na parang Parang magkabarkada lang Kami ay mga magkakapatid, magkakaibigan lang tignan Nagkakapikunan man minsan, walang pwede na mang-iwan Kami din ang magkakasangga sa lahat kahit ga'no kabigat Ano mang hirap, mapapalitan ng sarap basta tayo ay magsikap Sagana sa tawa, 'pag kasama sila pero hindi na bago Walang kasing-saya kaya sa kanila kumpleto na 'ko May kapatid ka na, may tropa pa, eh 'di quota, quota na Wala na 'kong mahihiling, sa kanila pa lang ay sobra na Sila 'yung tipo na solid kasama, mga kadikit sa hirap at ginhawa Kahit magkakalayo darating kaagad kapag napasama ka Walang iwanan, 'pag sagana, lalo na kapag ka wala na Sabay-sabay na magkakaroon Hanggang maubusan ay magkakasama Magkakapatid, magkakadugo kung minsan man ay nagtatalo Pero sinisigurado ko walang magpapabaya, 'pag may naagrabyado Kaya lagi nang panatag basta sila sa'kin na bahala Walang dahilan para mag-iwanan sa isa't isa kami'y nagt**iwala Sama-sama tayo at walang mag-iiwanan Kung may problema tayo-tayo lang Din naman ang magtutulungan 'Di pwedeng may maiiwan Lahat kasama, 'pag may kasiyahan Kaya't sama-sama tayo na parang Parang magkabarkada lang Kaya walang iwanan, walang iwanan tayo Asahan mo na magdadamayan tayo Kahit ano man ang problema ng bawat isa Babangon tayo kahit tayo pa ay madapa 'Di magpapahalata, ganyan lang dapat 'Di magpapaawat sa pagsubok ma'y subukin Dapat tayo ay maging handa Sama-sama tayo at walang mag-iiwanan Kung may problema tayo-tayo lang Din naman ang magtutulungan 'Di pwedeng may maiiwan Lahat kasama, 'pag may kasiyahan Kaya't sama-sama tayo na parang Parang magkabarkada lang Sama-sama tayo at walang mag-iiwanan Kung may problema tayo-tayo lang Din naman ang magtutulungan 'Di pwedeng may maiiwan Lahat kasama, 'pag may kasiyahan Kaya't sama-sama tayo na parang Parang magkabarkada lang
music video
Your name will be published. Leave fields blanks to remain anonymous.
Submit
Modal title
×
Insert media
Video URL?
(YouTube, Vimeo, Instagram, DailyMotion, Soundcloud)
×
Remember me
Lost password
Sign in
Register